Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Kanina lang ay natapos ang matagumpay na Thanksgiving Celebration ni Sarah Geronimo sa Port Area, Manila na dinaluhan ng press people. Kaya naman kinuyog si Sarah ng press para tanungin sa mga hot issues tungkol sa kanya. Matapos ang success ng kanyang movie with John Lloyd Cruz na Very Special Love, binansagan naman ng ilan si Sarah na Box Office Queen. Marami pa nga ang nagsasabi na nilampaso niya sa ticket sales ang sikat na tandem ni Richard Gutierrez at KC Concepcion na hindi masyadong maganda ang kinalabasan ng ticket sales na For the First Time. Nagpapasalamat naman si Sarah sa mga papuring tinatanggap niya sa mga tao matapos nga ang success ng kanyang pelikula.

Tinanong din si Sarah patungkol sa kanyang lovelife. Sa July 25, 2009 kasi, 20n years old na si Sarah at marami ang nagtataka kung bakit wala pang na lilink sa kanya. Hindi naman sinasara ni Sarah ang pinto niya sa mga suitors ngunit nagpahiwatig ito na hindi pa talaga siya handa na pumasok sa isang relasyon. Pero kung magkakaroon man daw siya ng karelasyon ay mas gugustuhin niyang hindi galing sa showbiz.

source: pep