Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Nauna nang naipabalita na ang dahilan ng paghihiwalay ni Doktora Vicki Belo at Hayden Kho ay dahil sa diumanong "sex video" na nasa pangangalaga ng Vicki. Agad namang dinepensahan ni Katrina ang sarili at sinabi na walang sex video.
Ang mga kumakalat kasing balita, may nagbigay diumano kay Doktora Vicki Belo na isa nitong "concern" friend sa nasabing video. Ayon pa sa mga tsismis, nasa pangangalaga ito ngayon ni Doktora Vicki.
Hinahamon naman ni Katrina ang lahat ng mga nagkakalat ng tsismis patungkol sa sex video na ilabas ito kung meron man.
Hindi naman daw apektado si Katrina sa mga isyu na lumabas at sinabing dedma lang ito. Hindi rin nito kinumpirma ang pag amin na ginawa ni Doktor Hayden Kho at sinabi nitong tahimik na lang siya.
Parang pinakita din ni Katrina na balewala sa kanya ang mga isyu. Alam naman nating lahat na may karelasyon ngayon si Katrina at iyon ay ang singer na si Kris Lawrence.