Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Nagsimula na nga ang shooting ng much anticipated second movie team up ni KC Concepcion at Richard Gutierrez under GMA Films and Regal Films na When I Met You. Matapos nga ang mga kabila-bilang mga "pangyayari" gaya ng pag re-resign ng first choice director nito na si Joey Reyes hanggang sa hindi matapos tapos na finalization ng title nito eh nagsimula na ngang mag shoot ang pelikula.
Samantala, gawa na ang teaser ng pelikula at napanood na ito ng ina ni Richard na si Anabelle Rama. Kilig na kilig daw ito ng makita ang teaser. Ang eksena kasi ay naka wedding gown si KC Concepcion.
Ang When I Met You ay ipapalabas sa February 2009 sa direksyon ni Direk Joel Lamangan.