Entertainment, Social Media and Tech News, Popherald.com
| ]

Nainterview ko nga ang tinaguriang nanay ng Philippines na si Nanay Zita Ortiga last Deceber 13, 2008. Ang aming pag-uusap ay nangyari matapos ang taping ng Survivor Philippines Reunion.

Marami talaga ang nakapansin ng sama ng loob ni Nanay Zita matapos hindi manalo sa reality show.

"Masama talaga ang loob ko nung una, pero ngayon ok na! " ani Nanay.

Sinabi pa nito na nagbago talaga ang buhay niya matapos makasali sa reality show. Nililibre daw siya ng pamasahe at pagkain sa fast food chain. Pansin din natin na napakababa ng luha ni Nanay. May pinag huhugutan talaga ng emosyon. Kaya naman tinanong ko siya kung may plano ba siyang mag artista. Sinabi naman niya, "kung may offer" sabi ni Nanay Zita. Nabanggit pa nga ang pagsali nito sa Survivor Philippines All Stars, ang Survivor Philippines All Stars ay ang isang season ng Survivor na magsasama sama ang mga sikat na castaways sa isang season. Umaasa si Nanay na mapanalunan na nito ang contest para makatulong sa kanyang pamilya. Masaya na rin daw siya na nakasali sa Survivor at ituring na nanay ng lahat.

Sana maging artista si Nanay Zita.